Wednesday, October 18, 2023

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (KOMSIK)


 "Bituin ng Agham: Salamat, Guro"



Sa bawat araw ng paglalakbay sa buhay,

Guro'y tanglaw, gabay sa 'king landas,

Sa simula ng pag-aaral sa silid-aralan,

Hanggang hayskul, pag-usbong ng talasalitaan.



Unang pagtahak sa paaralan,

ikaw ang ilaw,

Sa pagtuturo't pagmamahal,

pasasalamat kailanman,

Sa pagtutok sa landas ng kaalaman,

Sa mundong ibabaw,

ikaw ang inspirasyon, walang katulad.



Sa gitna ng gulo't hamon ng murang isipan,

Ikaw ang nagturo,nag-alaga't nag-udyok,

Sa unawa't pasensya,

sa paggabay at pagsuporta,

Sa mga mithiin kong tagumpay,

iyo akong itinutok.



Sa mataas na paaralan,

patuloy mong binubuksan ang pinto,

Sa mas malalim na kaalaman,

pangarap, at giting,

Tinuro mo ang halaga ng determinasyon

at tiyaga,

Ang buhay ay laban,

at ang iyo'y tanglaw sa tuwid kong daan.



Sa lahat ng ito, salamat sa iyo, aking guro,

Sa pagmamahal, pagtuturo,

at pag-asa na dala mo,

Sa isang tula'y may buong pasasalamat,

Ikaw, guro, ang tanglaw ng aking paglalakbay sa buhay na ito.


No comments:

Post a Comment

Earth Life Science

 a. Geologic and hydrometeorological hazards in a school community can include earthquakes, floods, landslides, tornadoes, hurricanes, and m...